Frequently Asked Questions

What is COVID-19?

COVID-19 an infectious disease caused by a newly discovered Coronavirus.

Ano ang COVID-19?

Ang COVID-19 ay isang nakakahawang sakit dala ng isang bagong uri ng Coronavirus.

What are the symptoms of COVID-19?

The common symptoms of COVID-19 are fever, chills, dry cough, body aches and tiredness, shortness of breath, and sore throat. The less common symptoms are runny nose, diarrhea, and nausea.

Ano ang mga sintomas ng COVID-19?

Ang karaniwang sintomas ng COVID-19 ay lagnat, panlalamig, tuyong ubo o ubo na walang plema, pananakit ng katawan, pananamlay, pagkahingal o pangangapos ng hininga, at namamagang lalamunan. Hindi karaniwang nararanasan subalit maaari ring makaranas ng sipon, pagtatae, at pagkahilo na may kasamang pagduduwal ang mga may COVID-19.

How does COVID-19 spread?

COVID spreads through droplets. Droplets are produced by the body through coughing, sneezing, talking, and even just by breathing. Droplets are suspended in the air and then settle on surfaces. You can get infected by inhaling these droplets, or by touching contaminated surfaces and then touching your eyes, nose, or mouth.

Paano kumakalat ang COVID-19?

Ang COVID-19 ay kumakalat sa pamamagitan ng maliliit na patak. Ang mga maliliit na patak na ito ay nanggagaling sa katawan ng taong may COVID-19 tuwing siya ay umuubo, sinisipon, nagsasalita, o kahit simpleng paghinga. Ang mga maliliit na patak na galing sa katawan ng taong may COVID-19 ay panandaliang nananatili sa hangin bago umibabaw sa anumang bagay na malapit dito. Maaaring mahawa ang isang tao kung malalanghap niya ang malilit na patak o mahawakan ang mga kontaminadong bagay at pagkatapos ay ang paghawak sa mata, ilong, bibig, o sa anumang bahagi ng mukha.

What should I do to protect myself from COVID-19?

Protect yourself by limiting exposure to people as much as possible. If you should go out of your house, make sure that you are at least 1 meter away from the next person.

Refrain from stigmatizing COVID-19. Stigmatization prevents people from being honest about their symptoms. If infected persons are not isolated properly, the disease can spread further in the community.

Avoid touching your eyes, nose, mouth, and face.

Avoid touching surfaces unless necessary. Wash your hands with soap and water immediately afterwards. 70% ethyl alcohol will do when hand washing is not possible.

Anu-ano ang mga kinakailangan kong gawin upang maiwasan ko ang COVID-19?

Hangga’t maaari, iwasan ang pakikipaghalubilo o malapitang pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Kung kinakailangang lumabas ng bahay, siguraduhin na may layo kang isang dipa o metro mula sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Iwasang balewalain ang COVID-19 at kondenahin ang mga taong mayroon nito. Makakasama ang mga ganitong pag-uugali dahil pinipigilan nito ang mga tao na maging tapat ukol sa kanilang tunay na kalagayan. Kapag nangyari ito, mahihirapan ang mga awtoridad na ibukod ang mga kaso ng COVID-19 sa wastong paraan at magiging sanhi nang higit na pagkalat ng sakit sa ating komunidad.

Iwasan ang paghawak sa mata, ilong, bibig, at mukha.

Iwasan ang paghawak sa anumang bagay lalo na kung hindi naman ito kinakailangan. Kaagad at palagiang maghugas ng mga kamay o di kaya ay gumamit ng 70% ethyl alcohol.